Mahalin

Lyrics: Trisha Denise Campañer Music: Trisha Denise Campañer Verse 1: Ano ba'ng gagawin ng isip ko? Kahit na anong iwas ay ikaw lang laman Ano ba'ng gagawin ng puso ko? Kahit na anong pigil ay ikaw lang ang gustong
Chorus: Mahalin Mahalin sa bawat araw Mahalin At pipiliin sa habang buhay Oh, kay sarap magmahal Kapag alam mong ikaw din ang gusto niyang Mahalin
Verse 2: Hindi na panaginip o pelikula Hindi makapaniwalang nandito ka na Matagal na panahon kitang pinagdasal At ngayong nasa harapan na'y ikaw lang ang gustong
Mahalin Mahalin sa bawat araw Mahalin At pipiliin sa habang buhay Oh, kay sarap magmahal Kapag alam mong ikaw din ang gusto niyang Mahalin