Paraya

Lyrics: Vilmark Viray Music: Vilmark Viray Verse 1: Ikaw ang dasal sa Maykapal Ang tangi kong inaasam Parang bituin sa kalangitan ’Di maabot, kahit subukan Pre-chorus: Sawa nang maghintay Lagi na lang nasasaktan Chorus Ikaw ang diwata, na hindi naman tinadhana Ipilit man ay walang mapapala Ikaw ang diwata, ang hiling ko kay Bathala Bibitaw na lang at handa nang magparaya Verse 2: Ikaw ang digmaan, handang ipaglaban Handang suungin ang kawalan Ako ay gisingin sa pagkakahimbing Ipaalalang walang darating, hooh-hooh Pre-chorus: Sawa nang maghintay Lagi na lang nasasaktan Chorus Ikaw ang diwata, na hindi naman tinadhana Ipilit man ay walang mapapala Ikaw ang diwata, ang hiling ko kay Bathala Bibitaw na lang at handa nang magparaya Bridge: Handa na ipahinga Ang puso kong napagod na Chorus Ikaw ang diwata, na hindi naman tinadhana Ipilit man ay walang mapapala Ikaw ang diwata, ang hiling ko kay Bathala Bibitaw na lang at handa nang magparaya