Lyrics: Clien Kennedy Alcazar/Angelo Luigi Timog/Philip Mabonga Ii/Darlon Elmedolan
Music: Clien Kennedy Alcazar/Angelo Luigi Timog/Philip Mabonga Ii/Darlon Elmedolan
Hindi mo ba napapansin kanina pa ‘ko sa ‘yo nakatitig
Sa mga mata mong singkit napatulala ako at nabighani
Sa dami-dami pwede pang mapili
Ikaw lang talaga ang gustong makapiling
Kaya baby ‘wag ka nang magsinungaling
Feel ko kasi balang araw sa ‘kin ka aamin
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa ’yo
Aminin mo kasi para lahat malaman ko
Kung sakaling maging tayo lahat ay gagawin ko
Kaya ‘wag kang mag-alala
Ako na ang bahala sa ’yo
Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo
Baby hola hola masyadong halata na
Matagal na kitang gusto makasama
Kapag naglalakad ngiti agad, ano ba ‘yan my god napakagandang dilag
Kaya laging sinasabi ko sa ’yo balang araw ay mapapasa’kin ka
Sabihin man nila na malabo ‘di ako kabado
Alam ko na aamin ka
Inaantay ko lang ang araw na tayo nang dalawa
Alam ko na sasama ka ayaw mo lang pahalata
Baby ako ang para sa ’yo ikaw ang akin
Alam ang kasagutan kahit ayaw mong umamin
Libre ang palasyo ko pwede mo ’ko dalawin
Basta pagkatapos titira ka na sa amin
Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo
Dito ka lang tumingin
Ako na lang kasi yung lingunin
‘Di lang ako sa una magaling
Na magpapakilig tapos mawawala nang bigla
Pupunta na sa iba
At ‘pag nanawa ay parang ‘di ka na kilala
Ilan na ba yung dumaan sa ‘yong nanakit
Pabayaan na kasi meron ka nang pamalit
Nandito lang ako hindi ako nagbibiro
Kasi alam ko rin yung pakiramdam masaktan at umuwing bigo
Sana naman ay ‘di ka na magkamaling pumili
Kasi kapag nangyari ‘yun ikaw ay magsisisi
‘Di kita pinipilit ha
‘Wag ka nang mairita
Gusto ko lang naman kasing ikaw ay maging masaya
Kung sino ba sa amin yung maswerte
Tumanggap ng oo mo
Naku ay pag-isipan mong maigi
Kasi panalo ka kapag ako
Walang sakit sa ulo
At tiyak akong ikaw ay
Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo
Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo