Kulang Ang Mundo

Lyrics: Daryl Cielo Music: Daryl Cielo Masdan mo ang alapaap At mga puwang nito Sa pagitan ng mga ulap Doon tayo tutungo ooh
Sa pag-ibig kong ito Humanda ka Maglakbay sa kalawakan dahil
Para sa’yo, mahal ko Ay hindi sapat ang dulo At hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo Ng bagong paraiso At doon matatanto Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo ooh
Sa likod ng mga tala Pag lampas ng himpapawid Sa hindi mo pa nakikita Doon ka ihahatid
Ng pag-ibig ko sa’yo Humanda kang Tuklasin ang Isang bagong dako
Para sa’yo, mahal ko Ay hindi sapat ang dulo At hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo Ng bagong paraiso At doon matatanto Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo
Kung sa’kin ay kakapit Ang anumang balakid Ay ‘di makakapigil sa ating lalakbayin
Ang mundo ng panaginip Kung ang iyong mata’y ipipikit Makikita mo aking pag-ibig
Ooh Sa pag-ibig kong ito Humanda ka Maglakbay sa kalawakan dahil
Para sa’yo, mahal ko Ay hindi sapat ang dulo At hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo Ng bagong paraiso At doon matatanto
Na kung hahayaan mo ang iyong puso Lakbayin ang lawak ng pag-ibig ko sa’yo Makikita mo na kulang ang mundo