Gusto Ko Nang Bumitaw

Lyrics: Sheryn Regis/Jonathan Manalo/Michiko Unso Music: Jonathan Manalo I Umiiyak gabi gabi Walang tinig na naririnig Nakikipaglaban sa digmaan na talunan Hanggang Kailan
Talo na, pagod na... Akala ko ika’y sa akin pa pero hindi na pala Wala na nga ba talaga?
II Naglalagalag sa kadiliman Naliligaw, nalilito, Ano nga ba ako sa ‘yo Sino nga ba ako sa ‘yo?
Dito sa aking pagkakahimlay Sa dibdib ko ay parang may nakadagan Walang kasing lungkot Walang kasing sakit
CHORUS Gusto ko nang bumitaw Ngunit ayaw pa ng puso Gusto ko nang bumitaw May Pag-asa pa siguro Kalaban ang sarili Sino bang dapat pumili sino nga ba Ako ba o Ikaw Gusto ko nang bumitaw!
III Kung kalungkutan kong kaligayahan mo Kung pagkagapos ko’y paglaya mo Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo... Paano na ako Magpaparaya ba? Papakawalan na lamang ba kitang Buo sa loob Pinanghihinaan nang loob
REPEAT CHORUS
BRIDGE Humahagulhol ngunit Wala namang nakikinig Walang magandang pupuntahan kailanman Ang Maling Pag-ibig Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili Bago pa magmahal muli Magmamahalan pa kaya tayong muli
REPEAT CHORUS
CODA Pipiliin ko nang sarili Bibitaw... Bibitaw na