Salbabida (Acoustic)

Lyrics: Jungee Marcelo Music: Jungee Marcelo Bumabaybay sa dalampasigan ng pag-ibig Di na namalayang lumayo Kumakampay pabalik sa may pampang subalit Di na matakasan ang bagyo Nagsusungit ang hangin, nagtatampo ang kalangitan Lumuluha ang mga ulap sa pag-ulan SA RUMARAGASANG ALON IKAW ANG SALBABIDA, DI BA, DI BA PAG HINDI NA MAKAAHON IKAW ANG SALBABIDA, DI BA, DI BA DAHIL DI NA MAG-IISA SABI MO DI BA, KAPIT KA LANG SINTA SALBABIDA-DI-DA…DA-DI-DA SALBABIDA-DI-DA…DA-DI-DA Nangangamba sa mapaglarong banta ng tubig At parang pagod nang lumangoy Nakaamba ang mapagkalinga mong pag-ibig Timbulang sagip sa panaghoy Umihip man ang hangin, at magdilim ang kalangitan Panatag lang sa gitna man ng kawalan SA RUMARAGASANG ALON IKAW ANG SALBABIDA, DI BA, DI BA PAG HINDI NA MAKAAHON IKAW ANG SALBABIDA, DI BA, DI BA DAHIL DI NA MAG-IISA SABI MO DI BA, KAPIT KA LANG SINTA SA RUMARAGASANG ALON IKAW ANG SALBABIDA, DI BA, DI BA PAG HINDI NA MAKAAHON IKAW ANG SALBABIDA, DI BA, DI BA DAHIL DI NA MAG-IISA SABI MO DI BA, KAPIT KA LANG SINTA SALBABIDA-DI-DA…DA-DI-DA SALBABIDA-DI-DA…DA-DI-DA