Lyrics: Kyle Anthony George de Ocampo
Music: Kyle Anthony George de Ocampo
Kung isilang ka man
Ngayon pa lang
Dapat mong malaman
Na ako'y nandito lang
At susundan kita
Hangga't kaya ko
At sana alam mo
Na ako'y iyong
Kakampi sa mundo
Kailanman
At kahit ano pang piliin mo
Kahit ano pa ang kulay mo
Kahit ano pang pangarap mo
Ang pag-ibig ko'y iyo
Ang pag-ibig ko'y iyo
May gusto ka bang
Ikwento tungkol
Sa iyong nadarama
Ako'y makikinig lang
Sa iyong saya
Sa iyong lungkot
At sana alam mo
Na ako'y iyong
Kakampi sa mundo
Kailanman
At kahit ano pang piliin mo
Kahit ano pa ang kulay mo
Kahit ano pang pangarap mo
Ang pag-ibig ko'y iyo
Ang pag-ibig ko'y iyo
At 'di na ipapasa
Ang dilim na aking dala-dala
At kung ako'y magkamali
Pramis
Magso-sorry
Ako ang iyong
Kakampi sa mundo
Kailanman
At kahit ano pang piliin mo
Kahit ano pa ang kulay mo
Kahit ano pang pangarap mo
Ang pag-ibig ko'y iyo
Ang pag-ibig ko'y iyo