Musika

Lyrics: Ron Benedict Manalo/Jose Marie Punzalan/Sonny Magallano/Prince John Noga Music: Ron Benedict Manalo/Jose Marie Punzalan/Sonny Magallano/Prince John Noga Chorus Samut saring mga karanasan mula sa tunay na buhay Musika ang nagbigay ng kulay Inspirasyon nag mistulang tulay Kaya eto sinasagad ang husay Kaya bakit ako titigil (tigil) Damang dama ko na yung init (init) Bastat kung para sa musika musika akoy mananatili 1st verse Akoy nangarap lang date Sa una ay hindi maganda ang mga nang yare Nadapa nawala ne hindi maka diskarte Inakalang puputok yung muusikang inalay ko sa kalye Pero hindi pala hindi ganon kadali kaya mag mula non ang pangarap koy di minadali Minsang sinantabi pero aking inisip Na baka kulang pako kaya di ko na pinilit Kaya nag ensayo mas lalo kong tinutukan Para sakin di lang basta rap hindi basta libangan Etoy isang talentong di basta na maaagaw Alam kong mapag mamalaki ko to balang araw Di man ganon karami sakin ang bumibilib Itutuloy ko to hanggang may isang nakikinig Kahit gano katagal di ako maiinip Sa twing nakakatapos ng kanta akoy kinikilig Chorus Samut saring mga karanasan mula sa tunay na buhay Musika ang nagbigay ng kulay Inspirasyon nag mistulang tulay Kaya eto sinasagad ang husay Kaya bakit ako titigil (tigil) Damang dama ko na yung init (init) Bastat kung para sa musika musika akoy mananatili 2nd verse May mga sandaling mawawalan ng gana Mabuti nalamang at nandyan ang mga naniniwala Salamat, sa lahat maging sa mga palihim manghamak gasolina ko kayo't pagasa Laban lang kahit na paulit ulit huwag kang mananawa madaya man ang mundo ay manatili kang patas Di yan nakakabawas ng pagkatao dibaleng talo basta may kapupulutang aral Lakad, ano man klaseng enerhiya ang 'yong masagap basta ba kayang dalin o tanggapin malabo raw mabasag totoo sarili mo lamang ang 'yong kalaban kaya't kailangan mo lamang gawin ay ang mapanatag Sa pamamagitan ng musika nakakawala sa hangganan pangunahing sandalan ko't yaman bilang kasasayang maiiwan ko't alaala Mensaheng taglay ang syang napili kong sandata Chorus Samut saring mga karanasan mula sa tunay na buhay Musika ang nagbigay ng kulay Inspirasyon nag mistulang tulay Kaya eto sinasagad ang husay Kaya bakit ako titigil (tigil) Damang dama ko na yung init (init) Bastat kung para sa musika musika akoy mananatili 3rd verse Napakaming nag daang dahilan upang tigilan ko lahat ng to Ngunit iba parin pag gusto mot talagang nasa dugo Lalabas at lalabas parin ang totoo Lalo nat kung nasa puso mo yan ang buong buo Gagawa at gagawa ka ng paraan Pag negatibo na ay pakawalan Mo nalang sa musika lahat ng yan ng mapakinggan Kung para sayo na talaga ang oras darating yan Yan ang isa sa importanteng natutunan ko noong mag simula ako Hindi lahat ng pag kakataon ay papabor sayo Sadyang likas ang panahon ay nag lalaro Ngunit dahil sa rap ay pansamantalang nalalayo Ang isip sa mga nang yareng di maganda Bastat umuusad pa ako yun ang mahalaga Hanggat di pa huli ang lahat di mag aaksaya Bakit ako hihinto eh dito nako masaya diba Chorus Samut saring mga karanasan mula sa tunay na buhay Musika ang nagbigay ng kulay Inspirasyon nag mistulang tulay Kaya eto sinasagad ang husay Kaya bakit ako titigil (tigil) Damang dama ko na yung init (init) Bastat kung para sa musika musika akoy mananatili